ŷ

Jump to ratings and reviews
Rate this book

Si

Rate this book
"Maari bang malaman ang iyong pangalan?"

"Victoria"

"Kailan kita masisilayan, Victoria?"

"Sa iyong pagsilang"

257 pages, Hardcover

First published November 1, 2014

362 people are currently reading
5,329 people want to read

About the author

Bob Ong

12books2,314followers
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
1,725 (54%)
4 stars
909 (28%)
3 stars
390 (12%)
2 stars
92 (2%)
1 star
70 (2%)
Displaying 1 - 30 of 417 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 21, 2014
Sa kauna-unahang pagkakataon, binibigyan ko si Bob Ong nga apat na bituin dito sa ŷ. Ibig sabihin nyan, gustung-gusto ko ang aklat nyang ito.

Ewan ko. Excluding yong re-issue ng (3 stars), pang-sampu ito sa mga aklat ni Bob Ong. Halos iba-iba ang genre. May memoir o tungkol sa sarili niyang karanasan noong bata pa sya, may tungkol sa pagsusulat, ang (3 stars), may tungkol sa urban poor, ang (3 stars), may tungkol sa politika at lipunan sa Pilipinas, ang (3 stars), may horror, ang (2 stars) at ang sinundan nito na comedy, ang (3 stars). Ang tatlong bituin ay nangangahulugan na gusto ko ang aklat. So marami na rin pala akong nagustuhan sa mga akda ni Bob Ong. Kaso, itong isang ito ang gustung-gusto ko.

Bakit?

(1) Istilo: Pabaligtad na paglalahad ng talambuhay. Yong unnamed narrator ay nagdidiwang ng kanyang ika-72 na kaarawan. Tapos yong mga susunod na chapters - isang taon, isang pangyayaring naganap na di nya makakalimutan sa taong yon. Hanggang sa dumating sa 3, 2, 1, 0. Paano nya kaya natandaan ang mga taong iyon?, tanong ko sa sarili ko. Kaso si Bob Ong ito. Sa mga lokal na manunulat, ngayon ko lang nakita na puwedeng gawing istilo ito ng paglalahad. May napanood na akong movie mga ilang taon na ang nakakaraan, ang pero doon, isang partikular lang na pangyayari ang inilahad ng pabalik. Dito buong talambuhay.

(2) Lenguahe: Purong Tagalog pero hindi korni. Yong Tagalog na di nakaka-O.P. Karaniwan ang tunog na parang kaibigang nagkwekwento lang. Hindi yong parang taong lumaki noong panahon ng hapon kagaya ng National Artist na si Amado V. Hernandez. Hindi ko sinasabi na hindi maganda ang (5 stars nga eh) kaso mahirap basahin dahil sa lumang Tagalog nito na parang lola ko ang nagsasalita o lolo/lola mo sa tuhod. Ikaw bilang bata pa.

(3) Yong Kuwento: Yon mismo. Kung kwekwentahin, ipinanganak ang narrator mga ilang taon bago ang World War II kaya bata pa sya noong magka-giyera. Kung susumahin, ang kuwento ng buhay niya ay kuwento ng pagiibigan nila ng asawang (soulmate) si Victoria. Dahil nagkatuluyan sila at tumandang magkasama, romance novel ito. Pero may mga trahedya sa pamilya (kahit naman aling pamilya, may malulungkot na karanasan) kaya mas angkop ang love story o kuwento ng pagiibigan. Hinaluan ng mga pangyayaring naranasan sa paligid sa pagdaan ng panahon: ang pananakop ng mga Hapon, ang pagdating muli ng mga Amerikano, First Quarter Storm, ang EDSA People Power, ang pag-alis ng mga Amerikano. Backdrops ang mga yan pero may epekto sa pamilya. Sa loob ng paglalahad, ramdam mo ang igting ng pagiibigan nilang mag-asawa at kung paano sila nagdadamayan sa mga lungko't at saya sa kanilang pagsasama.

Yon lang ang tatlong major-major (sabi nga ng Miss U noon) na dahilan. Mahal ang libro: P400. Iba na ang level ni Bob Ong. Hardbound na kung maglabas ng libro. Ilang araw lang, out of stock na. Confident na si Bob Ong at Visprint na kahit mahal ang libro ni Bob Ong, bibilhin at bibilhin pa rin ng mga tao.

Prediksyon ko lang: hahakot ito ng awards sa 2014. Kung tumatanggap ang Palanca ng published works, dapat humanay ito sa mga nominado. Kung yon ngang (2 stars) ni Eros Atalia, nanalo ngayong taong ito, eh ito pa kaya?

Pag di ito nanalo o na-nominate man lang sa National Book Awards o sa Filipino Readercon, ewan ko na lang.
Profile Image for Neil Franz.
1,053 reviews828 followers
February 25, 2016


^Ako matapos basahin ang librong ito.

---------------------------------
May mga nabasa akong tweets/posts dati na tila naguguluhan at nagtatanong kung paano raw ba nila babasahin ang librong ito. Sisimulan daw ba nila sa umpisa? o sa dulo? Medyo nagtaka ako. "Hala, bakit?" ang usal ko sa aking sarili. Tapos nakita ko yung tweet ni Bob Ong. Sabi nya, basahin daw sa simula kasi ganon naman talaga binabasa ang libro. Nacurious ako lalo.

Kaya matapos ang ilang buwan ng pagpipigil sa sarili, binili ko na rin ang librong ito. At sa pagbuklat ko sa mga pahina, nalaman ko na kung bakit sila naguguluhan. Hanggang sa matapos ko ang Si at ang magsasabi ko lang ay: Basahin ang libro sa unang pahina at wag sa dulo dahil magmumukha lang kayong tanga kapag sa dulo nyo inumpusahan. Pwe!

Biro lang. Kanya-kanyang trip yan. Bahala kayo sa buhay nyo.

---------------------------------
Anyway, highway, maganda ang Si. As in, maganda. Iba ito sa mga naunang sinulat na libro ni Bob Ong. Seryoso ang Si at tumatalakay sa pag-agos ng buhay, ng mga pangarap, paghihirap, kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig, pagkakaibigan at iba pang aspeto ng buhay ng tao. Napakaganda ng pagkakasulat na lalo pang nagbigay buhay sa kwento. Ang mga letra at salita ay animo isang masamyong hangin na dumadampi sa balat. Ang mga letra at salita ay tila tahimik na pag-agos ng batis. Maganda talaga. Hindi mahirap basahin at hindi rin naman masyadong mabulaklak. Basta.

Isa pa, kapana-panabik ang paglipat ng pahina. Yung tipong gustong-gusto mong tapusin agad pero ayaw mo rin. Gusto mo muna kasing namnamin ang bawat letra at bawat emosyon na nakapaloob rito. Kumukurot sa puso. Pa-minsan minsa'y naghahatid ng kasiyahan. Pero ang pinaka-tumatak talaga para sa akin ay ang pag-ibig. Ang PAGMAMAHAL. Na nailarawan at nabigyang-buhay ni Bob Ong sa nakakamanghang paraan.

Tapos, yung ending. Juskolord. Hindi ko masyadong naintindihan nung mabasa ko ng unang beses pero nung basahin ko ulit, ayun! Ayoko na lang magsalita. Nakaka-WTF. Masakit sa puso.

Basta basahin nyo ang librong ito sa umpisa, huwag na huwag sa dulo.
Profile Image for Mai.
13 reviews
February 3, 2015
Marahan kong inilipat ang huling pahina at isinara ang libro. Ipinikit ko ang mga mata ko para magbalik tanaw sa mga nabasa. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang galak, kurot, at hapdi na may kasamang luha sa aking mga mata na nangangahulugang tinamaan ako sa librong ito.

Tuwa, lungkot, hirap, pagsubok, pag-asa, at kung anu-anong bagay ang naisip ko habang inaalala ko ang mga kwento sa bawat kabanata ng librong ito. Pakiramdam ko habang nagbabasa ako ay naglalakbay ako sa mismong mundo at lugar ng mga pangyayaring nasaksihan ko rito. Madaling nailathala ng aking isipan ang mga kaganapang may bahid ng katotohanan kung ihahambing sa realidad. Para ko na rin pinapanood ang mga bagay na maaaring mangyari sakin sa hinaharap, kung paano magsisimula at magtatapos lahat sa buhay na pinagkaloob sakin.

Nakakatuwang makapagbasa ng librong magbubukas saiyong isipan at magtuturo sayo na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay hindi lang para sa dalawang tao, ito'y panglahatan na maibabahagi sa anumang paraan na tumatagal ng panghabambuhay.

Masaya kong nirerekomenda ang libro sa lahat ng kabataan ng henerasyong ito. At sa huli, maraming salamat sa panibagong pang bukas-isip, Sir Bob. :)
Profile Image for Daboy.
35 reviews1 follower
January 20, 2015
What the hell, Bob? Y u so good. Just bought it and finished reading it already. I just can't put it down.

You're so brave in trying a new genre which is a story about love. This is the kind of love story every teenager nowadays must read. Love for family and for people in general, not just between two opposite sex :)
Profile Image for Henz.
231 reviews76 followers
August 30, 2016
I haven’t read much of Bob Ong’s works, by far this is the third book and I got to tell you it struck me that it was very different; I was used to his comedic style but didn’t expect this one. The style of writing was really one of my favorites; writing in reverse was unique. I think of it as sort of a memoir but it’s not because it’s fiction. The love story was beautifully written along with tragic and bittersweet events that life has to offer to any human being. The Melancholic punch of this book have not brought me in tears but I finish up contemplating about life, love, things as "soulmates" and wonder will I experience the same nostalgia?
Profile Image for Anna.
11 reviews
December 24, 2014
Ang sarap basahin.
Parang gusto ko na ulit magmahal nang pang habang buhay. (May forever.)
Parang gusto ko magkaron ng magulang na gaya nya.
Parang gusto kong maging magulang gaya nya, mapagmahal, responsable at maalaga.

Ang sakit basahin. Parang may nakadagan sa dibdib ko dahil sa sobrang tindi ng emosyon at ng pananalita. Sa bawat salita na binibitawan nya kay Victoria, parang dinudurog ang puso ko.. Hindi ko alam, halos maiyak ako. Halos itigil ko din ang pagbabasa, parang sumusuko na ko.

Ang lupet basahin. Bandang huli, naisingit nya pa din ang subject lagi sa libro nya, ang Pilipinas. Pinakita nya ang history ng Pilipinas at masasalamin talaga ang hirap na dinanas noon.

Ibang klase ang librong to. Basta ang alam ko, mamatay matay ako sa pagbabasa nito.
Profile Image for Joey.
262 reviews52 followers
October 14, 2016
After putting it down in awe, I imagined myself attending a forum held by the Bob Ong Fanatics somewhere in the vacuous universe of ŷ, standing before them , groping for words to break their silence .

***

Me: Magandang araw, Bob Ong fanatics! Forgive me for speaking in English although what we will be discussing today is Si by Bob Ong. Supposedly, the medium of communication should be Filipino. However, we have foreign friends on ŷ who might feel out of place.

(Clearing my throat)

Before l share with you my thoughts of Si written by Bob Ong. Let me touch on little information of who Bob Ong is for our foreign friends to have an idea who the good old man we will be talking about.

If you look him up in the Wikipedia , Bob Ong is the pseudonym of a contemporary Filipino author known for using conversational writing technique to create humorous and reflective depictions of Philippine life. The author's actual name and identity is unknown.

Despite that his books have been best-sellers, he has never been known in public. That’s why some documentaries have been made to find out who this Promethean man is.

There are some prominent Filipino writers or TV personalities who have been mistaken for Bob Ong, but all of them have turned out be different from Bob Ong’s writing styles.

Now, let’s get down to business. My very first impression on Bob Ong’s books was that most of his books were like students� write-ups for a journal campus.

(One reactionary reader would interrupt.)

Fanatic 1: With all due respect, � Joey? If I may I address your first name�

Me: Yes, you may.

Fanatic 1: Joey, uh� You seem to being an armchair critic. You’re being subjective. I believe that you were still a student at that time. Admit it. You were addicted to his books, weren't you?

Me: Yes, I am being subjective, so I believe that all reviews on ŷ are not objective, aren’t they? And I wasn’t addicted to his books. I happened to read his books because they were being hyped up until my friend suggested that I read one of his. I was such an ignorant and poor reader at that time. I did not have any access to a lot of best-sellers, especially Philippine ones. All I always read were stories in school textbooks. But when I started to read his other books in university, at that point, I realized that I was sick and tired of them. I wish there were ŷ already at that time. I could have written my thoughts of them. Besides, I could have been a hypocrite if I had insisted that Bob Ong was my favorite Filipino writer.

Fanatic 1: If so, who was your favorite author?

Me: I’m sorry we seem to be getting around the subject. Given that Bob Ong can write whatever genre s as what others have noticed as what you have ( gesticulating at Fanatic 1) such as conversational, essay, horror, stories that deal with social issues in the Philippines, but for me, I would say that his works are not on the par with other critically acclaimed and award winning books. Apparently, his books appear to be intended for money.

Fanatic 1: That’s a cheap shot. I believe that Bob Ong writes such books because he wants to inform, to educate, and to entertain. And of course, in a capitalist country, books have something to do with money. Besides, you can’t deny the fact that because of Bob Ong , young readers are motivated to read and support our Philippine literature. In fact, as far as I know, because of Bob Ong, many writers now follow his style. In short, he is the beginning of all the writers today such as Bebang Sy, Genaro Gojo Cruz, Noringai, to name a few. Don’t you think so?

(Provoked by his word cheap shot)

Me: Exactly No doubt his other books have never been nominated by National Board of Books Award except this SI. And this has something to do with what I want to tell you about after reading his Si. Plus, if you don’t mind, let me first finish my review of it instead of heckling me.

(heaving a sigh)

Fanatic 1: (irritated) Noted…but NBBA must have the requirements whether a book is eligible or not.

Me: Definitely. Its requirements must be standardized, intended only for books that are considered critically acclaimed.

Anyway, thank you for heeding my request.

After reading Si, I realized that Bob Ong can write something award-winning. In Si, he wrote beautiful Filipino prose. He wrote lyrical , poetic , quixotic sentences. I was impressed. I fell in love again with whoever I pushed downward in the darkest part of my subconscious. In fact, I enjoyed repeating the passages as if I was chanting a yoga prayer. I was asking myself then if it was Bob Ong who was telling me a story. It seems like he is not the author of this book. Did my friend lend me another book? Yes, it was him. Because somehow, I felt his trademark, the way he collected all the realistic and vicarious information and other people's experiences to form one conceptualized story although there are some parts I found “corny� like the ones in his other books. Most importantly, I fell prey to his creativity. This is his style. He wants to make a twist whenever a reader goes into the climax. I guess you know what I am talking about if you have read it.

(Another fanatic would ask me, but calm unlike the other one .)

Fanatic 2: So, why did you give it 4 stars instead of five?

Me: Bo Ong is an experimental and ingenious writer. He always surprises us whenever he has a new book. In this book, obviously, his intention is to surprise us, but that surprise is not natural for me. It is conspicuous that he included such tactic to have a great impact upon me. For instance, I did not know that I should have started reading it from the back. Such clever idea is like a friend of yours who will make a fun of you , taking it back as a joke , but you don’t think it is funny at all. You might snicker, � Ang corny ha!� By the same token, obviously, there are some parts which appear to have been taken deep impression from TV news, newspapers articles, barbers� stories, and so on- the style he has been known for.

Fanatic 1: Your standard is so high. Since you appear to be an armchair critic, what should Bob Ong have done?

( I could still feel the ill-feelings he had been harboring.)

Me: I dunno. It is just my subjective analysis. But I hope when Bob Ong writes another such novel , I mean something more critically acclaimed than his other books. He should make it coherent as in his readers seem to be reading a real novel.

Fanatic 1: What do you mean 'coherent'?

Me: I want to read a novel that I will just follow the stream of the story as if I were just there mingling with them- something I have not seen in his books.

Fanatic 3: Since 4 stars means I really liked it on ŷ, what parts of the book that made you really like it?

(It’s another fanatic who would be listening to me all ears, but tend to make faces when I explained something which he could disagree to.)

Me: The deepness of some passages about love. The concept of the story because it reflects the typical conjugal and familial life of our parents until they get older. It mirrors the universal fact that parents started to be parents from romantic life until they build a family, how they take care of their children well despite the challenges of life . I can see such situation in my parents and in my friends, and even in myself if I were predestined to build my own.

Fanatic 1: Therefore, you expect something more than that from Bob Ong.

( This time, he would appear to be composing himself.)

Me: Yes, I am following him now. So, I profusely apologize to you.

Fanatic 2 : Well, despite your acerbic thoughts, welcome to the club!!!

Fanatics: Welcome to the Bob Ong Club!!!

*

( Back to the reality)
Writers could build a mass hysteria, gee!

Profile Image for Spens (Sphynx Reads).
677 reviews35 followers
October 8, 2024
Actual rating: 4.5

This is my first Bob Ong novel, and wow was I floored by how good it was! Bob Ong's writing style is so accessible yet so beautiful that there were so many seemingly simple lines that hit hard for me. He displays such an intimate understanding of human nature, what it means to love, and how our experiences and the people around us shape us. Phenomenal. Will definitely be reading more of his works in the future!
Profile Image for sab.
154 reviews
June 20, 2015
Ni hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ko matapos basahin ang napakagandang nobelang ito. Matapos kong mabasa lahat ng mga libro nya, ang pinakagusto ko ay ang . Ngunit ngayon, masasabi ko na ito, ito na ang pinakapaborito kong libro na gawa ni Bob Ong. Puno ng pagmamahal, sakit, at pag-asa ang librong ito at ang pinakagusto ko ay hihikayatin ka nito na mag-isip.



Masasabi kong isa ito sa mga librong hindi ako magsasawang basahin ng paulit-ulit.

Profile Image for Jireh.
62 reviews
December 10, 2014
E, ayun na naman si Manong Bob. Nagkukwento. Pero kung susubukan mo siyang pakinggan mula sa dulo, ipinapayo kong mas mainam pa rin na sa simulang patapos mo (ibig-sabihi'y sa unang pahina!) pa rin siya pakinggan kasi mas maaappreciate mo ang buhay ng mga karakter niya doon. Paborito ko si Kups at Superman, kahit bahagyang side dish lang sila sa pinaka main course.

"Ang kapalaran ay kuwentong matagal mo nang inisip para sa iyong sarili."
Profile Image for JulienneReads ✧.* ◡̈.
224 reviews246 followers
August 18, 2022
Ang daming tanong sa buong kuwento ngunit ang lahat ng ito ay masasagot lamang ng isang salita, “pag-ibig�.

Hindi kailangan ng mga grandeng pangyayari, ang mga karaniwan sa pang araw-araw ay sapat na. Mga simpleng bagay na bumubuo sa pag-ibig at kung paano nito binubuo ang buhay ng bawat isa.

Full review here 🫶🏻
Profile Image for kento.
221 reviews
June 14, 2015
Actual rating: 4.5

AAAAAAHHHHH!!!!! ANONG NANGYARI?!?!




EDIT:

Grabe. Noong nakumpirma ko yung ending, akala ko yun na yun. Ang galing sobra. Akala ko yung huling pahina na yung pasabog. Hindi pa pala! Salamat sa isang kapwa ko mambabasa na nagbahagi sa akin ng mga teorya niya patungkol sa aklat na 'to--kagaya ng kung ano ang dahilan kung bakit Si ang pamagat, at kung ano yung nakatago sa likod ng dalawang letrang ito. Lubos akong nalulungkot at ngayon lang ako nakapagbasa ng aklat na isinulat ni Bob Ong. Walang duda na isa siyang matalinong manunulat, kaya't ako'y nahikayat na basahin rin ang iba pa niyang mga libro.

Ang huli kong masasabi: WAG NA WAG BASAHIN SIMULA SA DULO. Kahit pabaliktad yung numero sa bawat kabanata simulan mo pa rin sa unang pahina. Dahil kung hindi, sisirain mo ang maganda sanang karanasan sa pagbabasa ng aklat na ito.
Profile Image for Jonn Louie Lim.
20 reviews9 followers
January 7, 2016
Walang kupas talaga si Bob Ong sa larangan ng pagsusulat. At sa paglabas ng kanyang ikasampung libro ay napatunayan na niyang kaya niya iba't ibang kategorya ng kwento ma-horror man yan (Kaibigan ni Mama Susan; na hindi ko naman binasa), tungkol sa superhero (Kapitan Sino), script man ng iba't ibang klase ng sine (Lumayo Ka Nga sa Akin), o love story na paksa ng librong ito.

Pagbuklat mo pa lang sa unang kabanata ay mapapaisip ka na, dahil ang nakalagay ay pang-72 ito. Ngayon pa lang ako nakakita ng librong sinulat ng ganitong istilo. Naiintindihan ko na kung bakit, ayon kay Bob, sinimulan niya tong isulat kasabay pa ng pero ngayon lang natapos.

KONTING SPOILER LANG
Gaya ng nabanggit ko kanina tila pabaligtad ang pagkakasulat ng librong ito. Pagdating pa lang sa kabanata 60 ko napagtanto na ang bawat kabanata pala ay tumutugma sa edad ng bida. Bawat kabanata ay may inilalahad siyang alaala na karamihan ay may kinalaman sa pagmamahalan niya ng kanyang naging asawa. Paalala, hindi ito librong hapon na dapat basahin simmula sa huling pahina. Sinadya ni Bob na magsimula sa edad na 72. Maganda ang kinalabasan. Maihahalintulad ang karanasan na ito sa kung may nakilala ka ngayon lang sa matandang edad na at ikinuwento niya ang mga nangyari sa buhay niya. May mga detalye sa kwento na mapapatanong ka, "Sino naman yung karakter na iyon?" tapos sa sunod na kabanata ay saka lang niya maipapaliwanag kung ano ba ang kinalaman ng taong iyon sa buhay niya.

Natuwa din ako sa kung paano niya ipinahiwatig ang buhay niya. Kalimitan ang karakter ng isang libro ay may isang dimensiyon lamang. Kung ang karakter na ito ay matapang, mabait, madaldal man o hindi sa simula ng libro dadalhin mo ang impresyon na iyon hanggang katapusan. Pero dahil nga nilalahad ng librong ito ang pagtanda at paglago ng isang tao sa bawat yugto ng kanyang buhay, makikita mo ang pagkakaiba ng bida noong siya ay 20, at noong siya ay 60. Napahalagahan ko rin kung paano naipakita nito na ang mga nakatatanda sa atin ay nabiyayaan ng Diyos ng mas maraming karanasan na kalimitan ay nangangahulugan din na may dagdag na karunungan.

Marami pa akong ikinagusto sa librong ito. At kung nagkataon na 4-stars ang ibibigay ko sa librong ito, ay siguradong mapipilitan akong dagdagan ang rating na iyon para lang sa huling kabanata at pahina ng libro kung saan ay nabigyan ng panibagong kahulugan ang naunang 71 na kabanata na binasa ko bago makarating doon. Naglalaman ito ng isang mahalagang mensahe na sa panahon natin ngayon ay mahalagang pag-isipan.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Gerald The Bookworm.
231 reviews409 followers
February 6, 2024
First reread ko 'to and damn, it still hits different!

As usual, hinele na naman ako nito gamit ang mga salitang sumasalamin sa iba't-ibang mukha ng pag-ibig. Tumatagos. Nangungusap sa puso ko.

Wala, ito talaga ang pinakapaborito kong libro ni Bob Ong!

Eh di durog na naman ang puso ko sa ending. Thank you naman sa 'yo Bob Ong, akala mo kabiruan ka din eh. Ay? Hahahaha
Profile Image for Maria Ella.
551 reviews96 followers
September 1, 2016
ZOMG THE ENDING IS MINDF*CK I CANNOT EVEN.

KAYA KAYO, PLEASE LANG MAG FAMILY PLANNING. HUWAG BASTA AWRA NANG AWRA JUICE KO LALO NA KAYONG MGA JEJEMON KAYO JUICEKO NA LANG.

(These moments of epiphany at the wee hours of morning. More thoughts soon).
Profile Image for Aly Almario.
Author16 books1,129 followers
March 30, 2015
Ibang klase ang atake na ginawa ni Bob Ong sa paglalahad ng kwentong 'to. Kakaiba. At ang ganda rin ng takbo ng storya. May kurot sa puso.
Profile Image for Efram Cortes.
89 reviews7 followers
November 7, 2021
Si's rate of perfect five stars emphasizes my vigorous desire of recommending the book to every Filipino - reader or not. I highly recommend this to those who are sorrowful, stressed, and depressed. Appreciation of existing was conveyed excellently, it might help your situation by altering your mindsets. Also, this book might return a reader's appreciation for Philippine literature in which what exactly occurred to me few years ago.

The strengths of the book are its eloquent imagery, exquisite storytelling, and intelligent association of the real and the imaginary. The interchanging use of prose and wordplay creates a mixed feeling of delight and concern. Also, because the blend of real events and fictional flavors was splendid, the reader will forget one very important thing. Though strength, its weakness is also storytelling, making us lost as we progress.
Profile Image for Alden.
161 reviews31 followers
September 12, 2016
Halos mahigit isang taon ko na ring natapos basahin ang pinakabagong librong ito ni Bob Ong pero ngayon ko lang ito naisipang gawan ng review. Kung tutuusin, ito ang unang review ko matapos ang mahaba-habang panahon. Bagamat nagbabasa-basa pa rin ako ng mga libro ay hindi ko rin kasi masyadong nabubuksan ang aking account, dala ng sobrang abala ko (raw) sa iba't ibang aspeto ng buhay.

Paano ko nga ba binibigyan ng rating ang isang librong nabasa ko? O sa pinakasimpleng katanungan, anu-ano ang aking mga sariling pamantayan para bigyan ito ng tumataginting na limang bituin? Ilan sa mga ito ay kung bukod sa sobrang nagustuhan ko talaga ang istorya ay kakaiba ang technique o pamamaraang ginawa ng manunulat sa paglalahad nito at kung wala itong nakakainip na bahagi o 'dull/boring moments' para sa akin.

Bukod pa sa mga nabanggit, ilan pa sa aking mga pamantayan sa pagbibigay ng mailap na limang bituin ay kung tumanim nang matagal sa aking isipan ang istorya ng librong nabasa ko. Iyon bang kahit tapos mo na itong basahin at nag-uumpisa ka nang magbasa ng ibang libro, ang librong iyon pa rin ang laman ng utak mo na parang may separation anxiety ka na sa librong iyon. Iyon bang sa sobrang lakas ng epekto o dating sa iyo, pagkatapos mong mabasa at isara nang tuluyan ang libro ay nais mo munang namnamin hindi lang ang pagwawakas ng istorya kundi pati na rin ang ilang hindi malilimutang mga eksena sa librong iyon. O ayaw mo munang magbasa ng panibagong libro dahil baka maputol o makalimutan mo ang ilan sa mga importanteng pangyayari na nanatili sa iyong isipan habang binabasa mo ang naturang libro. At masasabi kong ang lahat ng mga pamantayang ito, kasama ang dalawang nabanggit sa huling talata, ay naranasan ko sa pagbabasa ng Si ni Bob Ong.

Kuwento ng tunay na pag-ibig ang tema ng Si ni Bob Ong. Subalit sa loob ng kuwentong pag-ibig ay kalakip nito ang iba't ibang emosyon -- kasiyahan, kalungkutan, galit, hapdi, pang-unawa, pagpaparaya, responsibilidad, pagmamahal, paghahanap, pagkakatagpo, pag-asa, at iba pang elemento ng ating buhay. Tungkol ito sa buhay ng isang unnamed narrator at ng kanyang kabiyak na si Victoria. Sa pinakapayak na paliwanag, inilahad dito ang kuwento nilang dalawa -- kung paano sila nagkakilala, nagtagpo at kung ano ang naging buhay nila bago at pagkatapos ng ilang mga pangyayari -- sa hindi pangkaraniwang pamamaraan (Kahit mukha namang halos lahat dito ay nabasa na ang Si, hindi ko na lang din sasabihin kung ano ang pamamaraang iyon para iwas spoiler para naman doon sa mga iilang hindi pa nakakabasa).

Para sa akin, isa na nga yata ang nobelang ito sa pinakamagandang likha ni Bob Ong. Magaang at masarap basahin ang Si subalit sobrang lakas ng dating at bawat kabanata ay siguradong mag-iiwan ng marka sa isip ng mga mambabasa. Dahil kilala sa pagpapatawa sa kanyang mga non-fictional books, akala ko noon ay todo na ang kanyang talento pagdating sa paggawa ng kuwento o fiction matapos kong basahin nang ilang ulit ang (apat na bituin) at (read but not yet rated), na dalawa sa pinakapaborito ko sa mga fictional works niya.

Nakakabilib din hindi lang ang naging transition ni Bob Ong dahil mula sa pagpapatawa ay nakagawa siya ng isang kakaiba subalit mapusong kuwento, kundi pati na rin ang ilang mga pagbabago sa paraan niya ng pagsusulat. Medyo hindi ako sigurado kung alin ba ang mas tamang baybay: 'siya/niya' ba o 'sya/nya'? Pero mas tama yata ang 'siya/niya' at ito ang napansin ko sa Si. Mas ginawang pulido at wasto ni Bob Ong ang pagsusulat, dahilan kung bakit napakaganda at napakasarap basahin ng Si.

Ang ikinababahala ko lang, halos lahat na nga yata ng pakulo ay nagawa na ni Bob Ong. Paano kaya ang gagawin niyang atake sa mga susunod pa niyang libro? Hindi kaya nauubusan na siya ng mga ideya para dito? Anong bago naman kaya ang kanyang ihahain sa susunod? O uulit ba siya ng estilo sa pagsusulat? O hiatus muna nang matagal na panahon sa pagsusulat? Ang daming katanungan na naghihintay ng kasagutan. Pero knowing Master Bob Ong, sigurado akong gugulatin niya tayo ulit (sana) sa susunod niyang likha.

Sa ngayon, nanamnamin ko muna ang husay ng pagkakagawa ng Si at maghihintay sa susunod niyang libro. Palagay ko, gold book o brown book iyon (Halos lahat kasi ng basic na kulay, nagawan na niya ng libro).
Profile Image for Mǎ Wén.
1 review1 follower
May 3, 2015
Natuwa naman ako sa mga nabasa ko dito, reviews, comments at kung Anu ano pa. Iba iba pala tayo ng interpretasyon sa huling aklat Na sinulat ng bobOng pinoy. Pero Ayos Lang, yun nmn ang ISA sa mga layunin ng may akda, ang paganahin ang mga muscles ng ating utak na paminsan minsan Ay kelangan ding iehersisyo. Walang Tama, Walang mali, depende sa pagtanggap.

"Yun ba Yung mga kowts!?" kapagkadakay natawa ako nang ilarawan ng Isang kaibigan ang Tema ng mga katha ng paborito Kong manunulat, na para bang mini compilation ng Pinoy love quotes or jokes, ambabaw. Nakakatawa. Nakakabaduy.

Pero minsan nakakahiya ring masabihan ng korni kasi Nga palasak na Pero ang kaBobohang Yan Ay napakalma na ng "Lumayo ka Nga sa Akin" (ika siyam).
Kaya kahit pa, ISA talaga ako sa mga hooked na hooked na nagbabantay sa kanyang katanyagang kelanman ay di nya pinagkalandakan.
Di katulad nung iba, nagsisimula palang ay may paghamon na sa manok Ko (manok natin) ["...humanda ka na bob Ong?"]

Siguro yun ang sikreto nya, Kaya siya kinapapanabikan. Lumilikha sya sa katahimikan at hinahayaang ang tagumpay ang magsiwalat nito.

At itong Es~Ay (si) Ay sobrang nakakapraNing, ninamnam ko ang bawat detalye at dahil Nga tungkol sa �, umaasa ako sa nakakakilig na ending, Pero Laking gulat ko dahil hinigtan pa nito ang AKing inaasahan. Grabe, literal tlga AKong napasigaw ng "Sh*t!!!" Na ekspresyOng naririnig ko LNG din nmn sa AKing boss. Pero gsto ko talagang tumambling nun sa sobrang paghanga. Sana Nga Ay humakot Ito ng mga parangal sa kung saan mang award giving bodies para sa masining na pagsulat. E ang ganda't galing naman kasi talaga, diba!? Diba!?

At dito sa ikasampu ko napagtanto ang temang pinapaksa ng lahat nyang katha.
Hindi Lang tungkol sa kaligayahan, pangarap, pakikibahagi, pananalig sa Dyos at Pag~ibig kundi kolaborasyon ng lahat ng nabanggit na sasaklawin ng nag~iisang salitang madalas nyang ipagduldulan sa ating pagmumuka.

PAGKAKATAON...

Na nasa sa atin ang lahat ng PAGKAKATAON,
Pagkakataong damhin ang kaligayahan ng kasibula't kamusmusan.
Pagkakataong mangarap at tuparin Ito.
Pagkakataong maging bahagi ng pagbabago sa bulok sistema.
Pagkakataong kilalanin ng mas malalim ang Dyos na lumikha.

Na binigyan tayo ng PAGKAKATAONG mabuhay at isilang sa mundong ito.
Na Di tulad ng Di matukoy na protagonista sa nasabing Nobela...
Tayo Ay mas nabigyan ng PAGKAKATAONG masilayan ang napakagandang Mundo upang tupdin, kilalanin at hanapin ang nakalaang Victoria ng ating buhay.

#goforphilippineLit.
Profile Image for O.
187 reviews36 followers
December 26, 2014
Actual rating: 3.5 stars

Mabenta sakin noong kabataan ko (lol!) si Bob Ong. Natutuwa ako sa mga kwento nya eh, lahat ng libro nya inabangan ko at binili ko nung may pera na ako pambili ng libro. Ung mga libro nya na mga nobela, di ko na masyado nagustuhan ung iba. Na-trauma ata ako kay . Wahahaha. Pero nung nakita ko ung librong to sa NBS, naisip ko mag-try ulit magbasa ng kwento ni Bob Ong.

Actually itong Si, binili ko dahil sa mababaw na rason - gustong gusto ko ung cover. Paboritong kulay ko kasi. Napaka-misteryoso pa ng summary sa likod. Hahaha. Pero nung nagsimula ako magbasa, medyo naguluhan ako. At nakornihan ako. Kasi lalaki ung bida, di ko ma-imagine na magsasalita ng napaka..flowery(?) tungkol sa pag-ibig ang mga lalaki. Pero sabagay, iba ang henerasyon nya. Baka ganun talaga sila dati. Hehe.

Nung tumagal naman natuwa na ako sa mga pangyayari sa Si. Kakaiba ang twist nya, although mahahalata mo na rin naman sa simula kung ano ung nangyayari. Siguro umabot sa kalagitnaan ng libro bago ako medyo nadala sa kwento. At di na ako nakokornihan sa pananalita ng bida. Mahirap ata magkwento ng mga nabasa ko dito, baka may spoiler akong masabi ng hindi sinasadya. Haha.

Ang naisip ko nung natapos ko itong libro...minsan makikita mo ang isang tao na napakasaya sa buhay. Maiinggit ka sa kanya kasi mapapaisip ka ano ginawa nya para maging ganun. Pero di mo lang alam, maaaaring napakarami nya na rin napagdaanan na hirap sa buhay - mawalan ng magulang, o anak, o kung ano pa man - ngunit nakarating sya sa punto na naging masaya pa rin sya. Hindi sa lahat ng oras masaya ang tao. Hindi rin sa lahat ng oras ay bigo sya. Ang mahalaga siguro, i-enjoy mo na lang ang buhay mo na walang regrets.

Naging cheesy na ata mga sinasabi ko. Basta masaya naman ang Si. Ako lang siguro may problema kasi madali ako makornihan sa mga kwentong pag-ibig lately. Hahahahaha. Although hindi sya kwento lamang ng pag-ibig, kundi kwento ng buhay ng isang tao. :D

Maaari nyo rin basahin ang rebyu na ito sa aking blog na .
Profile Image for joy can read.
466 reviews13 followers
August 10, 2022
This has a unique writing style. Instead na mag-start sa umpisang narrative sa buhay, nag-start ang author sa last memory na naalalala ng character. Sa halip na mag-start sa chapter 1, nag-start 'yong book sa chapter 72 which I'm guessing is the age of the character???

This book showed how Filipino families cope to different life situations. 'Yong bagyo struggles atska 'nong sinakop tayo ng Hapon at Amerikano struggles nakita sa librong ito. Sobrang nakakatuwa 'yong love ni ?? (omg wala ba siyang name??? unknown ata) kay Victoria 😭😭😭 Hindi natapos 'yong pagmamahal niya kay Victoria as kaibigan, nobya at asawa, nagtuloy din sa sobrang pagmamahal niya sa mga anak at apo nila. Isa pa, nag-travel sila nationwide 'nong katandaan na sila. At ang mga linayahan?????? 🥺

"Huwag kang mag-alala sapagkat lagi kong ipinagpapasalamat sa Panginoon ang mga natanggap kong biyaya; kahit na wala akong ibang biyayang naiisip pang bilanging tuwing sa'yo ako nagsisimula. Hiniling kita sa Maykapal at paulit-ulit kitang hihilingin. Sapagkat ikaw ang pangarap na habambuhay ipapanalangin matapos makamit" imagine being Victoria??? 😭
"Alagaan mong mabuti ang iyong sarili. Huwag kang magpapatuyo ng pawis sa likod, kumain ka sa oras, matulog ng maaga, at higit sa lahat ay maging mabait huwag ng tumingin sa ibang dalaga." luh, ang cute
"Minahal ko ang dating siya. Minamahal ko kung ano siya ngayon. Mamahalin ko maging man siya nukas. At handa kong ialay sa kanya ang lahat ng ube at leche flan sa mga kakainin ko pang haluhalo sa hinaharap."

the bagoong and manggang hilaw na favorite ni Victoria 🤌🏻 gorl has taste.

Veronica - bunso na nabuntis sa edad na 17, lumayas sa bahay pero kumupkop ng batang ibinenta ng ka-trabaho sa canteen sa halagang tatlong libro para pam-piyansa sa nakulong na asawa. proud 'yong na-feel ni ferson (narrator) na his daughter can give so much love kahit hindi kadugo.

Aling Minyang - katulong sa Kainan na pinatuloy ni Victoria sa kanilang bahay ng matagpuang nagpapalaboy-laboy sa daan. backstory niya is kasama ang kapatid niya sa mga biktima ng nasunog na Ozone Disco.

Juliano - panganay na anak na gustong-gusto makatulong sa kapwa. he took nursing pero nag focus sa rallies during EDSA kaya nalihis sa pag-aaral. She had a girlfriend pero iniwan ni girl via letter bc according to her, hindi raw marunong magmahal si Juliano. Si Julianong gagawin ang lahat makatapos ng pag-aaral si Lorenzo? maging abogado para makatulong sa iba? magtayo ng scholarship program para sa mga batang hindi nakakapasok sa eskuwelahan? at si Julianong namatay sa pagpo-protekta sa isang nanay na buntis sa jeep na sinasaktan ng holdaper. Sobrang totoong tao lang ni Juliano. Your loss, Rita.

Lorenzo - ahhh omg Lorenzo, napakatalino 😩 Tuwang-tuwa ako sa stories noong bata siya, napaka-pilyo at cute. Mana sa kanyang ama na sobra magmahal. Ginawa niyang lahat for Olivia pero binalewala lang siya kahit siya nagturo sa kanya sa iskul. Good thing he has Amelia. Amelia taught him love na hindi nakakasakit at tunay.

"Kung ibibigay mo sa akin ang puso mo, paano ka?" Lorenzo
"Hahatiin ko ito para sa ating dalawa. Ang kalahati ay para magmahal ka. Ang matitira ay para mahalin kita." Amelia

"Kalahating bata, kalahating delubyo, isang buong ngiti. Itong anak kong si Lorenzo."

Lourdes - siya talaga ang pangalawang anak pero madaming health complications ever since pinanganak.

Mario Lim - kaibigan ng narrator. Sana mahanap mo na ang love ng buhay mo ... 😔 ghinost kasi siya ni Carmen na nakilala niya sa pier.

Ang saya nga pala ng wedding nila ni Victoria??? Sobrang impulsive nagpakasal ba naman kasabay ang pista. Nanghiram lang ng gown at tux tapos hiniram din ang simbahang may ayos na kasi same day ng sched nG MAGARBONG KASAL ng anak ni Don Cipriano. 😂

Overall, this book touched my heart na legit napahawak ako sa puso ko numerous times. Love, friends and family ay sobra talagang nagbe-blend sa libro na talagang nakapagpa-feel sa readers ng something. The story is wholesome and tingin ko naman tatatak sa isipan ko.
115 reviews1 follower
October 18, 2024
Antagal ko na rin di nakakabasa ng libro ni Bob Ong. Magaling pa rin sya magsulat, poetic pero funny. Kakaiba yung structure nung book. Di ko inaasahang mabigat at medyo malungkot yung ibang panyayari pero gusto ko yung love story.

This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Irene.
52 reviews30 followers
March 11, 2017
First time ko maging attached sa local published na libro. I used to read wattpads and other lame books ng psicom nung i was in high school (i'm sorry but to be honest i just thought of them as entertaining books. Wala syang (wattpad books) place sa Dulce et Utile.). Sobrang nakaka proud na isang pilipino si Bob Ong. First book ko itong 'Si' pag dating kay Bob Ong.

Dati palang narinig ko na sa kuya ko na maganda daw yung Si dahil niregalo nya to sa kaklase nya pero 'di ko inexpect na ganon kaganda (lol sorry XD). Bob Ong has the capability na pagpatong patungin yung emotions sa isang chapter para maramdaman mo ng maigi yung nangyayari. Sobrang powerful ng buong libro kasi hindi lang nito kinukwento yung buhay ng nameless main character pero pati yung mga nangyayari sa araw araw sa iba't ibang tao. Yung mga taong nasa same situation would've given up especially me nung the main character became an orphan. Sobrang sobrang ramdam ko lahat ng nararamadaman ng main character kahit pa wala ako sa situation nya pero Bob Ong was able to put me on his shoes to cry, feel a heartbreak, appreciate the little things in life with him oh, and of course, yung faith ng main character kay god na hindi kumukupas which made me love it more.

Walang major or anything special sa book pero yung little things na nagaganap sa pang araw araw na buhay ng mga pilipino or ng mga tao rather, is what made me appreciate the book. Yes it's romance and sobrang mainstream ng ganon sa wattpad books (those of which i have read) pero in comparison, kakaiba yung way of writing ni Bob Ong sobrang astig at damang dama 'yong istorya 'di katulad nung sa wattpad sobrang cliche at umay @-@ (i apologize if this comparison offends you pero i'm not generalizing all the wattpad stories so..)

I hope to read more of his works in the future

P.S ANG GANDA DIN NUNG BOOK COVER HIHIHIHI <3
Profile Image for Maj.
68 reviews
March 15, 2015
Maganda yung pakulo ng pagkakakwento-- paurong ang chapters. Sa una, naguluhan ako ng konti pero kalaunan ay nasabayan ko na.
Maganda ang pagkakasulat, hindi ko rin naman na kinwestyon bilang, bukod sa fan ako ni Bob Ong, di naman aabot ng sampu ang libro nya at hindi naman dadami ang tagahanga nya kung di sya magaling magsulat. Ito ang tagalog na kahit ang setting nya ay makaluma, maiintindihan mo ang mga bawat salita. Hindi pinilit ang pagkakatagalog. Swabe.
Punong-puno ito ng pagmamahal. Pero hindi korni. Hindi naging korni. Ganon ka-swabe. Sa ibang Tagalog na nobela, nakokornihan ako pero dito hindi. Sa halip, nakakakilig pa. Oo, kinilig ako. Hahaha
Ito dapat ang mga binabasa ng mga kabataan imbis na mga gawa na naiimprenta nang hindi naman sinasala.
Paborito kong parte ang kanila Mario Lim at Carmen. Kahit na nakaaaliw din yung kay Kups.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang huling kabanata ng libro. May mga tanong ako na hindi ko pa nahahanap ang sagot. Hindi ba't ganon ang magandang libro, yung pinaiisip ka?
May teorya ang Tita ko kung bakit "Si" ang pamagat ng libro. Bukod sa salitang "si" na karaniwang kasunod ay pangalan ng isang tao. Dahil daw ang "Si" o "Sy" ay apelyido ng Chinese at ang mga Chinese ay pabaliktad magbasa kumpara sa nakasanayan natin.
Profile Image for jm.
354 reviews118 followers
March 20, 2016
"Hindi ka maaring hindi magmahal kahit mapasaiyo pa ang lahat. Maari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakpangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin; pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?"

Matagal na kong nagbabasa ng mga likha ni Bob Ong. Nagustuhan ko ang karamihan at inayawan ang ilan. Natapos ko ang Si sa loob ng iilang oras. Ganyan ako nahumaling at ganito ko nagustuhan ang nobela.

Heart felt. Heart touching. Dalawang salitang magsa-summarize sa naramdaman ko habang binabasa ang librong ito. Maya't maya na gusto kong tumigil upang huminga ng malalim at yakapin ang libro.

Nakakikilig. Ang genuine ng pagibig na mayroon dito. Yung legit na kilig. Yung maiingit ka sa pagibig na mayroon ang dalawang bida. Yung maiinggit ka pero alam mong hindi corny, hindi sappy, hindi kung ano pa man basta kinikilig ka.

Nakakapanabik. Hindi mo mabibitawan. Ganyan ang Si. Nag-level up si Bob Ong. Naiibang level up.
Profile Image for honey.
27 reviews
April 2, 2019
The best Bob Ong book that was ever written! I have read MacArthur way before back in high school or college, and I was unimpressed. Kapitan Sino, though still not his best, was written better like watching a funny superhero movie with a few dramatic scenes which is popular here in the Philippines, and in some parts, a subtle sampling of what Bob Ong’s writing might take form in Si.

It was very different, way off bat from his usual with a prose simple yet poetic, and heartfelt, displaying a maturity in his writing. Perhaps, this is Bob Ong tempering down with age?

Si might have lacked the signature acerbic nature of his previous works which might have appealed to his fans and fans-alike, and to which his popularity may be attributed, still I would go around raving to people about this book simply because this is Bob Ong at his best!
Profile Image for Kimberly.
Author4 books217 followers
May 6, 2015
Nung binasa ko ang libro, medyo nalito ako sa una. Nung nakita ko yung pahina, naisip ko na baka dapat mag umpisa ako sa likod. Pero ayaw ko naman ng spoiler kung sakali, kaya pinagpatuloy ko nalang.

May mga panahon na napangiti ako ng bida. Kinikilig ako sa kanila ni Victoria. Napakaganda ng samahan nilang mag asawa.

Napansin ko na may ilang bible reference galing sa The Message translation, itrinanslate lang sa Filipino. Kagaya nalang ng 1Corinthians 13. Kaya mas labis akong natuwa sa pagbabasa.

Nagustuhan ko ang storya, pati na rin ang pagsasadula nito, flashback style. Pati ang cover nito ay nakakaakit sa mata.
Displaying 1 - 30 of 417 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.