Å·±¦ÓéÀÖ

O's Reviews > Si

Si by Bob Ong
Rate this book
Clear rating

by
5903082
's review

liked it
bookshelves: ph-authors, on-my-shelf, pretty-pretty-book-covers

Actual rating: 3.5 stars

Mabenta sakin noong kabataan ko (lol!) si Bob Ong. Natutuwa ako sa mga kwento nya eh, lahat ng libro nya inabangan ko at binili ko nung may pera na ako pambili ng libro. Ung mga libro nya na mga nobela, di ko na masyado nagustuhan ung iba. Na-trauma ata ako kay Ang mga Kaibigan ni Mama Susan. Wahahaha. Pero nung nakita ko ung librong to sa NBS, naisip ko mag-try ulit magbasa ng kwento ni Bob Ong.

Actually itong Si, binili ko dahil sa mababaw na rason - gustong gusto ko ung cover. Paboritong kulay ko kasi. Napaka-misteryoso pa ng summary sa likod. Hahaha. Pero nung nagsimula ako magbasa, medyo naguluhan ako. At nakornihan ako. Kasi lalaki ung bida, di ko ma-imagine na magsasalita ng napaka..flowery(?) tungkol sa pag-ibig ang mga lalaki. Pero sabagay, iba ang henerasyon nya. Baka ganun talaga sila dati. Hehe. (view spoiler)

Nung tumagal naman natuwa na ako sa mga pangyayari sa Si. Kakaiba ang twist nya, although mahahalata mo na rin naman sa simula kung ano ung nangyayari. Siguro umabot sa kalagitnaan ng libro bago ako medyo nadala sa kwento. At di na ako nakokornihan sa pananalita ng bida. Mahirap ata magkwento ng mga nabasa ko dito, baka may spoiler akong masabi ng hindi sinasadya. Haha.

Ang naisip ko nung natapos ko itong libro...minsan makikita mo ang isang tao na napakasaya sa buhay. Maiinggit ka sa kanya kasi mapapaisip ka ano ginawa nya para maging ganun. Pero di mo lang alam, maaaaring napakarami nya na rin napagdaanan na hirap sa buhay - mawalan ng magulang, o anak, o kung ano pa man - ngunit nakarating sya sa punto na naging masaya pa rin sya. Hindi sa lahat ng oras masaya ang tao. Hindi rin sa lahat ng oras ay bigo sya. Ang mahalaga siguro, i-enjoy mo na lang ang buhay mo na walang regrets.

Naging cheesy na ata mga sinasabi ko. Basta masaya naman ang Si. Ako lang siguro may problema kasi madali ako makornihan sa mga kwentong pag-ibig lately. Hahahahaha. Although hindi sya kwento lamang ng pag-ibig, kundi kwento ng buhay ng isang tao. :D

Maaari nyo rin basahin ang rebyu na ito sa aking blog na .
3 likes ·  âˆ� flag

Sign into Å·±¦ÓéÀÖ to see if any of your friends have read Si.
Sign In »

Reading Progress

December 16, 2014 – Started Reading
December 16, 2014 – Shelved as: to-read
December 16, 2014 – Shelved
December 16, 2014 – Shelved as: ph-authors
December 16, 2014 – Shelved as: on-my-shelf
December 16, 2014 – Shelved as: pretty-pretty-book-covers
December 16, 2014 –
page 53
20.62% ""Minahal kita sa isip ko at ipinagdasal lahat ng mabuti para sa'yo, pero nag-alala ako nang lubos nang ipagkaloob mo puso mo kay Olivia. Hindi dahil sa wala ka nang puso para sa akin, kundi dahil wala ka nang laman tulad ni Olivia."

Bakit ako napapamura sa kakornihan nito? Korni ba talaga or ako lang talaga may problema :("
December 22, 2014 –
page 196
76.26% ""...handa akong ialay sa kanya lahat ng ube at leche flan sa mga kakainin ko pang haluhalo sa hinaharap."

Ang tamis! Hehe."
December 23, 2014 – Finished Reading

Comments Showing 1-3 of 3 (3 new)

dateDown arrow    newest »

message 1: by O (new) - rated it 3 stars

O Emir Never wrote: "Haha! Rebyuhin mo to, plis!"
Haha, soon! Ang tagal ko magbasa, busy busyhan kasi :)))


message 2: by O (new) - rated it 3 stars

O Emir Never wrote: "Yown! Sili ice cream ko ha?"
Di naman ako uuwi eh. Next time! :)))


message 3: by O (last edited Dec 22, 2014 06:46PM) (new) - rated it 3 stars

O Emir Never wrote: "Haha, joke lang. Enjoy the holidays. :)"
Someday dadalaw ako sa McKinley na may bitbit na tunaw na ice cream at iaabot ko sayo. Bwahahaha. Chos. Happy holidays!! :)


back to top