ŷ

Gerrick's Reviews > Para Kay B

Para Kay B by Ricky Lee
Rate this book
Clear rating

by
4646851
's review

really liked it
bookshelves: a-fiction, z-philippines, g-humor-comedy, g-short-stories-anthology, physical-copy-signed

“Para sa pag-ibig na dapat ay para sa lahat.�

‘Yan ang katagang sinulat ni Ricky Lee sa libro ko ilang taon na ang nakakaraan. Matapos manilaw ang mga pahina at magkaroon ito ng sariling dula, sa wakas ay natapos ko na rin basahin ang libro. Noon pa ma’y nagtataka na talaga ako kung sino ba talaga si B!

Ayon sa nobela, mayroong quota ang pag-ibig: sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Limang kwento ng pag-ibig ang inilahad sa libro at dito ipinakita kung paano dinevastate ng pag-ibig ang apat sa bawat limang umiibig. Limang maikling kwento, limang babaeng tauhan, limang mukha ng pag-ibig.

Kakaiba ang pagkakasulat dahil gumagamit ito ng tinatawag na �cubistic writing� na istilo. Kapansin-pansin na walang pakialam ang may akda sa karaniwang tuntunin ng pagsusulat, basta kukwentuhan ka lang niya gamit ang magkakaugnay na pananaw. At sino ba naman ang makaiisip magsulat ng isang librong naglalaman pa ng isang libro. Napakalinaw ng pagkakalarawan sa mga eksena na parang halos nanunood lang ako ng pelikula. Sa una’y hindi ako masyadong naging komportable sa paggamit ng Taglish sa pagsasalaysay. Subalit kalauna’y nagustuhan ko na rin 'to. Wari ko’y naglalarawan lamang ito sa pagbabago ng kasanayan at kung paano tayo mangusap sa totoong buhay.

Parang tama nga ang tinuran ng isang tauhan sa libro, "malungkot ang kwento, at nadamay ako." Pero sa kabuuan, nagustuhan ko ang nobela. Mahusay ang pagkakasulat at konsepto. Masining ang pagkakahabi ng mga pangyayari. Minsa’y nakatutuwa, minsa’y may kirot, minsa’y nakakairita, pero madalas relatable at kapupulutan ng aral. Hinahamon nito ang mga mambabasa na mag-isip habang nagbibigay aliw. Bagama’t hindi man nito binago ang aking sariling pananaw sa pag-ibig, lalo pa nitong pinagtibay ang aking pagkakaintindi. Puwede ko itong marekomenda sa aking mga kaibigan para sila na mismo ang makapagsabi kung kasama ba sila sa quota o hindi.
4 likes · flag

Sign into ŷ to see if any of your friends have read Para Kay B.
Sign In »

Reading Progress

July 22, 2014 – Shelved
July 22, 2014 – Shelved as: to-read
February 5, 2024 – Shelved as: a-fiction
February 19, 2024 – Shelved as: z-philippines
March 17, 2025 – Started Reading
March 17, 2025 – Shelved as: g-humor-comedy
March 17, 2025 – Shelved as: g-short-stories-anthology
March 17, 2025 – Shelved as: physical-copy-signed
March 22, 2025 – Finished Reading

No comments have been added yet.