Å·±¦ÓéÀÖ

Aldren's Reviews > Para Kay B

Para Kay B by Ricky Lee
Rate this book
Clear rating

by
7037851
's review

it was amazing
bookshelves: favorite, pinoy

"Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at lanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na."

Limang maikling kwento, limang karakter, limang mukha ng pag-ibig.

Ang librong ito ay sadyang ginawa para imulat ang mga mambabasa sa katangahan, misteryo at hiwaga ng pag-ibig. Binigyan niya ng ibat-ibang kulay ang salitang "pag-ibig". Bagamat "iba" sa mga nakasayan nating pangyayari, mapapamahal pa rin tayo sa bawat karakter at kanilang kwento. Hayaan mong liparin ka ng sarili mong imahinasyon sa mundo ni Ginoong Lee at tuklasin mo kung ano sa limang kwento ang nangyari na sa iyo. :-)

Ngunit hindi lang kosepto ng pag-ibig ang napapaloob sa nobelang ito. Sinasalamin din dito ang mukha ng ating Inang Bayan -- ang Pilipinas. Ito ang gusto ko sa mga Pilipinong awtor, sinisingit talaga ang mga temang nationalismo, corruption, kahirapan -- ang mga nangyayari sa Pilipinas sa kanilang mga akda kahit na hindi ito punong paksa. Kahit sa ganitong paraan lang, naipapakita nila ang estado at kondisyon ng Pilipinas na kinikib-balikat ng nakararami, na hindi pinakikinggan ng gobyerno, na kailangang masolusyunan.

Mahusay ang pagkakasulat at pagkahabi ng mga konsepto't pangyayari. Satiric, may kirot, minsan naman weirdo pero lahat may laman. Sabi niya, sa bawat limang umiibig, isa lang daw ang magiging masaya. Sa puntong ito, masasabi ko na ako 'yung swerteng isa. :-)
6 likes ·  âˆ� flag

Sign into Å·±¦ÓéÀÖ to see if any of your friends have read Para Kay B.
Sign In »

Quotes Aldren Liked

Ricky Lee
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”
Ricky Lee, Para Kay B

Ricky Lee
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.”
Ricky Lee, Para Kay B


Reading Progress

August 20, 2012 – Started Reading
August 20, 2012 – Shelved
August 20, 2012 –
page 21
8.64%
August 20, 2012 –
page 21
8.64%
August 21, 2012 –
page 95
39.09%
August 23, 2012 –
page 156
64.2%
August 27, 2012 – Shelved as: favorite
August 27, 2012 – Finished Reading
August 12, 2013 – Shelved as: pinoy

No comments have been added yet.