Maui Rochell's Reviews > Para Kay B
Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)
by
by

Ang librong 'to ay hindi ko nirerekomenda sa taong mabilis mainip sa pagbabasa at hindi marunong umunawa ng binabasa at basta lang basa ng basa.
Sa totoo lang nagandahan ako sa paraan ng pagsulat at hindi sa kwento. Ang galing kasi nasasabi ng may-akda 'yung gusto niyang sabihin ng walang preno. Walang pormalidad at napakamakatotohanan. Hindi puro arte lang. Natutuwa ako kasi nabasa ko 'tong libro na 'to at nagbigay ng inspirasyon sa akin para mas magsikap pang magsulat. Nakarelate ako kay Lucas (isa sa character ng storya) gusto niya ding maging writer kagaya ko pero hindi niya kaya na straight English ang isulat niya. Ganun din ako. Parang kulang kasi sa emosyon pag ako nagsulat ng English na kwento pero sa totoo lang takot lang siguro ako sumubok at magsanay.
Yung mga kwento sobrang bigat ng twists. Iba iba ang mararamdaman mo sa bawat storya pero may pagkakapare-pareho sila. Lahat sila ay isang malaking CAPITAL S! Maganda at maiimagine mo talaga sa utak mo kung ano nangyayari. Mapapaisip ka talaga ng mga tanong na gusto mong itanong sa author dahil may misteryo pang nakatago sa pahayag na 'yun.
Hindi rin maganda kasi may mga parte na nakakabitin at nakakainip basahin. Siguro 'yung pinakahuling chapter talaga ako naguluhan pagkatapos ng kwento ni Bessie. Pero kahit ganun, binasa ko padin.
Sabi nga dun ang lakas ng kapangyarihan ng isang WRITER.
Overall, maganda naman. :)

Sign into Å·±¦ÓéÀÖ to see if any of your friends have read
Para Kay B.
Sign In »