Pinoy Reads Pinoy Books discussion

This topic is about
Smaller and Smaller Circles
ABSBYNGPGBBSNGAKLT
>
Smaller and Smaller Circles by F. H. Batacan - January 2013

Jzhun, kailan na tayo rito?
Ricky Lee ako ngayon.
Then Sigwa
Then Pak U
Then isang Abueg
Then isang Ordonez
Then isang F. Sionil
Then ito na....
Ricky Lee ako ngayon.
Then Sigwa
Then Pak U
Then isang Abueg
Then isang Ordonez
Then isang F. Sionil
Then ito na....

Malilipat ba natin ito sa Enero? Kakabasa ko lang din kasi ng isang mystery (kuno!) na aklat. Haha! :D Pahinga na muna ako sa genre na 'yan at tututok muna ako sa mga akdang banyagang pang-Pasko.
Salamat, Mommy D! (Pasensiya na, di po 'to kasalanan ng mga pastor) :D
Hmmm. Maghahanap ako ng tatambal sa akin...
Tao po! Tao po!
May gusto po bang makipagtambal sa akin hahaha
Kami raw ni Paolo sa PAK U. Pero natakot na yata sa Rogelio Sicat na "Dugo sa Bukang Liwayway" na una naming pinagtambalan. Na-trauma ang bata kaya gusto'y may kasabay na iba pa hahaha.

1.wow! may quotes from Nitzsche.
2.It reminds me of Big Brother is watching you!.
Chapter 1
pg. 1-8.Father Emil-umpisa pa lang nakaka-sulasok na dahil isang binata ang natagpuan patay sa basurahan. Nawawala ang ari at puso pati mukha parang kinuha pa.

pg.8-12
Mga pari na may kakaibang kurso sa antropolohiya, autopsy assistant, med school drop-out na isa pa lang music lover o Rakista "rock n roll". Binigyan pansin ang pisikal nilang anyo at pagkahilig sa musika.

Nag-usap po kami ni Po na ituloy ang sabayang pagbasa ng "Smaller and Smaller Circles".
Dahil maikli lang naman ang aklat (155 pahina na nahati sa 30 chapters), ito po ang aming Speed/Reading Plan:
Chapter I to V - January 16, 2013, Wednesday
Chapter VI to X - January 17, 2013, Thursday
Chapter XI to XV - January 18, 2013, Friday
Chapter XVI to XX - January 19, 2013, Saturday
Chapter XXI to XXV - January 20, 2013, Sunday
Chapter XXVI to XXX - January 21, 2013, Monday
KD, Jzhun, Rise, at kung sino pa ang interesado, sabihan nyo na lang po kami kung nais nyong makisabay din. Salamat! :)
Ako naman, di ko mahanap ang kopya ko. More than 1 year na yon sa akin (bigay ni Kristel).
Tapos kanina, sabi ko, sige bibili na lang ako. Tapos wala sa NBS Megamall. Sa Saturday na lang ako magbabasa ha.
Tapos kanina, sabi ko, sige bibili na lang ako. Tapos wala sa NBS Megamall. Sa Saturday na lang ako magbabasa ha.

Chapter I to V - January 16, 2013, Wednesday
Chapter VI to X - January 17, 2013, Thursday
Chapter XI to XV - January 18, 2013, Friday
Chapter XVI to XX - January 19, 2013, Saturday
Chapter XXI to XXV - January 20, 2013, Sunday
Chapter XXVI to XXX - January 21, 2013, Monday
Isusunod ko na lang bukas ang mga pumasok sa aking isip habang binabasa ang unang 5 chapters, gabi na kasi ako nakauwi ngayon...

Medyo huli ako sa pagbasa, naging busy kasi kahapon at ngayon.
unang araw: Chapter I to V
Ilang beses ko binalikan ang epigram (quote sa simula ng aklat) mula kay Nietzsche bago ko ito maintindihan. Siguro mas maliliwanagan ako kung ano ang kinalaman nito sa kwento sa mga susunod na araw ng pagbabasa. Pero maaaring may kinalaman ito sa paraan ng pag-mutilate ng mamamatay-tao sa kanyang mga biktima, ang pagtalop ng kanilang mga mukha.
Gusto ko ang paraan ng paglarawan ng may-akda. Na-imagine ko ang amoy ng basura at nabubulok na bangkay sa Payatas, ang magandang silid ni Father Saenz (may iba-ibang libro, may rock music, may prints ng mga guhit ni da Vinci)...
Sang-ayon ako sa mga obserbasyon ng may-akda (sa pamamagitan ni Father Saenz); kuha niya ang ugali ng mga pulis sa Pilipinas. Tingin ko rin hindi imposible na may serial killer sa Pilipinas, ngunit malaking hadlang ang kawalan ng database o pormal na pagtatala ng mga nawawalang tao at mga pinapatay. Bukod pa doon, ang paglutas ng krimen ay kada kaso lamang; hindi tinitingnan kung may ugnayan ang mga pagpatay. We don't see the forest for the trees, kumbaga.
Nailang lamang ako sa ibang parirala na nilagyan ng tuldok sa dulo kahit na hindi siya buong pangungusap. :P Sa paglarawan naman sa mga tauhan, mukhang hindi masakit sa mata sina Father Saenz at Father Lucero. Paraan ba ito ng may-akda upang kunin ang loob ng mga mambabasa para sa dalawang pari? At napaka-stereotypical ni Attorney Arcinas, itsura pa lang kontrabidang-kontrabida na ang dating.
Ilang tulong sa pagbabasa -
Vos vestros servate, meos mihi linquite mores.
You cling to your own ways and leave mine to me. - Plutarch
Trahimur omnes laudis studio.
We are all led on by our eagerness for praise. - Cicero
(Salamat sa Google para sa mga pagsalin!)

Ganda ng rebyu mo. medyo nalilito pa ako kaya inuulit ulit ko ang pagbabasa. Kung may multi tasking meron din multi-talent hehe! Mga pari na may alam sa medtech / autopsy.
Umpisa pa lang ay may patayan na pag-autopsy. Serial keller, murderer, etc.. Naalala ko iyong Hannibal o Silence of the Lamb ng binabasa ko ito.

pangalawang araw: Chapter VI to X
Napansin ko na ito sa mga naunang yugto; may mga pagkakataon na ang may-akda ay nag-"tell" sa halip na nag-"show". Spoonfeeding ng impormasyon kumbaga, hindi iyong paglarawan sa tao o pangyayari at iwan sa mambababasa ang paggawa ng sariling opinyon.
Tulad sa kaso ng mamamahayag na si Joanna Bonifacio. Kailangan talaga talentado at ilista ang mga accomplishment?! Ito ba ay upang walang maging tanong sa kanyang kakayahan na lutasin ang kaso?
Nailang din ako sa mga katagang Pranses sa ika-sampung yugto. Sana ay naglagay ng translation ang may-akda. Importante kaya sa kwento ang pagturo ni Father Saenz at pag-aral ni Joanna sa Pransiya? O ito lang ay paraan upang ipakita kung paano sila nagkakilala?
Pasensya na kung masyado akong mapintas. Mystery kasi ang paborito kong genre at marami na akong nabasang aklat na ganito ang tema. Sabagay iba-iba naman ang istilo ng pagsulat ng bawat tao.
Ngayon pa lang ay may hinala na ako kung sino ang mamamatay-tao. Pero ewan ko lang kung red herring siya. Haha.
Cecille, nahihiya ako sa yo. Pasensiya ka na. Hahanapin ko ang kopya ko bukas at hahabol ako sa discussion.

mula pahina 46 -
Voici!
This is...! (mukhang bigkas ng pagkagulat ito)
Joanna - salut!
Hello Joanna!
Ca m'etonne pas de vous voir ici. Il est comment, le temps en-haut?
I'm not surprised to see you here. It's high time for that, isn't it?
(Hindi masyadong malinaw ang translation ng huling pangungusap kaya nag-paraphrase ako.)
Il y a pas mas de soleil. Arcinas est assez fier de lui-meme.
There is no sun(?). Arcinas is quite proud of himself.
Ah, Arcinas, le cingle. Mais pourtant, vous soupconnez une arnaque, n'est-ce pas?
Crazy Arcinas. But you suspect a scam, don't you?
J'ai aucune idee, Joanna.
I have no idea, Joanna.
Joanna, puis-je vous introduire mon ami, Father Jerome Lucero?
Joanna, may I introduce you to my friend, Father Jerome Lucero?
mula pahina 47 -
Je suis desole, Joanna...
I'm sorry, Joanna...
D'accord.
It's okay.
Voici ma carte...
Here's my card...
Balak ko sanang umasa na lang sa context clues pero hindi ko matiis na hindi hanapin ang salin ng mga pangungusap. :P

pangatlong araw: Chapter XI to XV
Wala akong masyadong puna sa bahaging ito. Natuwa lang ako na sa wakas may point of view na mula sa biktima. At nakaganti rin si Father Lucero kay Attorney Arcinas. Sana ay umusad pa ang imbestigasyon sa mga susunod na yugto...
Kaso may banyagang wika na naman! X( At sa wikang Italyano naman ngayon. Medyo nakakapagod na maghanap ng salin. Hay.
mula pahina 61 -
Dov' e il suo viso? Dov' e il suo cuore?
His face? His heart?
Cose tante ferite, ma cosi poco sangue.
So many wounds, but so little blood.
La stessa tecnica, la stessa tempistica. La fine della settimana, l'inizio del mese.
Same technique, same timing. The end of the week, the beginning of the month.
Correndo, correndo nel buio, attraverso l'immondizia.
Running, running in the dark, through the dirt.
Il momento della caduta.
The time of the fall.
E cosi che gli sei apparso quando finalmente ti ha raggiunto?
And so he has reached six [victims] when you appeared?
(Hindi ko maintindihan ang pagsalin ng pangungusap na ito.)
mula pahina 62 -
Una firma inequivocabile...
An unequivocal signature...
Vattene, non toccarmi.
Go away, don't touch me.
Sei proprio nei guai.
You're really in trouble.
Ano ang palagay ninyo sa pag-gamit ng manunulat sa mga banyagang wika sa kanyang akda? Hindi ba ito nakaka-istorbo sa daloy ng kuwento? Lalo na kung kailangan pa hanapin ang salin ng mga pangungusap; pasalamat na lang ako na may internet connection sa bahay...

(Natutuwa ako na nahahasa uli ako sa pagsulat sa Tagalog. :))
Sige, basta bukas, bungkal mode na ako. Ay mamaya pala, Sabado na pala ngayon, kauuwi ko lang dito sa bahay.

paliit ng paliit ang mundo nila..smaller and smaller circles...haha!

Natutuwa ako na sa mga yugtong ito mas umuusad na ang imbestigasyon. Nakaka-disappoint lang ang stereotypical na incompetence ng pulisya, at ang pagbigay ng lagay sa mga kawani ng gobyerno.
May mga pagkakataon na tingin ko mas nakasasama ang kulturang "utang na loob" ng Pilipino. Minsan kahit hindi na naaayon sa tama at sa legal ang hinihinging kapalit na pabor, nauunahan pa rin ng hiya na hindi matanaw ang utang na loob. Kailan kaya nagsimula ang ugaling ito?
Sa lahat ng mga yugtong nabasa ko na, paborito ko ang XVIII. Bagamat nakalulungkot, maganda ang paglalarawan ng may-akda sa mga ina at sa mga buhay ng mga batang biktima. Totoo talagang ang bawat tao ay may sari-sariling kwento ng buhay.
Nagulat lang ako na ngayon lang sumagi sa isip ng mga pari na maaaring may medical training ang mamamatay-tao. May naunang halimbawa na kasi sa kaso ni Jack the Ripper. Bagamat hindi pa rin natutukoy ang totoong pagkatao ni Jack the Ripper hanggang ngayon, maraming naniniwala na may medical training siya dahil sa nature ng mutilations na ginawa niya, na may pagka-halintulad sa mga mutilations sa mga biktima sa aklat na ito.
Muli, ilang mga salin -
Joanna, comment vas tu? Ah, vraiment?
How are you, Joanna? Ah, really?

Sa kaso naman ni Jack the Ripper, mga prostitute ang kanyang pinatay. Iba-iba ang mutilation - may tinanggal ang matres, tinanggal ang bituka, ang puso, tinalupan ng mukha - at lahat ay nilaslas ang leeg. Kaya may pagkahawig sa mga biktima dito sa "Smaller and Smaller Circles".
Tingin ko basta may background sa anatomy (halimbawa'y kumuha ng kursong may kinalaman sa agham - biology, nursing, med tech, atbp.), maaaring gumawa ng ganitong klase ng pagpatay.
Ay, nakabili na ako kanina. P150 sa SM Mega NBS. Di ko talaga makita ang kopya ko.
Start kong basahin bukas ng umaga.
Start kong basahin bukas ng umaga.

May mga words na circle na kung saan connected sa title kaya smaller, smaller circles.
cecille wrote: "Unang beses ko lamang sumali sa sabayang pagbasa kaya't gabayan po ninyo ako.
Medyo huli ako sa pagbasa, naging busy kasi kahapon at ngayon.
unang araw: Chapter I to IV
Ilang beses ko binalikan a..."
Unang Araw Ko: Tsapters I to V
Kakaiba. Ngayon lang ako yata makakabasa ng mystery thriller na lokal na nobela. Puro kasi drama, kahirapan, pagi-ibigan o romanse ang mga nababasa kong Tagalog. Ito pala yong sinasabi ni Jzhun na mystery-thriller na lokal. Mabuti't naisipan ni F. H. Batacan na magsulat ng ganito. Hindi na tuloy nakakagulat na ika-6 na limbag na itong edisyon na binabasa ko. Galing! Unang limang kabanata pa lang bilib na ako.
Para lang na-remind sa aking ang Silence of the Lamb pero maaga pa para maghambing. Magaling ang description ng setting. Gaya mo, ramdam ko ang baho ng lugar, ang singaw ng lupa na biglang inulan.
Kakaiba rin na ang dalawang pangunahing tauhan ay parehong pari. Titser pa yong isa noong isa. Sherlock Holmes na mga pari. Para tulog gusto kong basahin ng straight na dahil manipis rin lang. Kaya lang naisip ko, baka mawala ang motivation ko na mag-post dito hahaha.

Pangalawang Araw Ko: Tsapters V-X
Habol, habol.
Naka-relate ako doon sa sinasabi mong mga French phrases, Cecille. Parang gusto kong mag-google habang nagbabasa kanina sa bed. Kaso, ayaw kong magbukas pa ng PC. Buti bago mag-post dito nakita ko ang mga translations sa itaas. Okay lang naman sa akin ang pinakita talaga ang mga accomplishments ni Joanna. Siguro, feeling ko lang ha, bluff ito. Parang ini-establish lang na magaling si Joanna para either: (1) hindi sya pagdudahan na sya ang criminal; (2) aasahan natin na may weight lagi ang sasabihin nya o (3) may lesson learned later na hindi lahat ng maraming accomplishments ay magaling mag-solve ng criminal cases. Wala lang feeling kong killer eh si Father Saez (yong matanda) dahil sa Tsapter IX, yong sugat sa ilalim ng balat nya. Trip trip lang.
Nandoon na ako sa Tsapter X kung saan papunta na sa kulungan sina Father Guz, Jerome at Joanna. Very engaging yong prose, di ko napansin yong show vs tell. Tell nga siguro pero at least maikli lang sya.
Favorite mo pala ang mystery? Ako, ngayon ngayon pa lang nakakabasa ng mga ganito. Parang last year lang, mga bandang Nobyembre noong marami akong binasang mystery books.
Gandang umaga sa inyo.

Mula elementarya kasi si Nancy Drew na ang paborito ko, at hanggang ngayon ang paglutas ng misteryo ang hilig kong basahing mga aklat. Kaya siguro iba ang approach ko sa "Smaller and Smaller Circles".
May nauna na ring detective na pari, si Father Brown, sa mga maikling kwento ni GK Chesterton na sinulat sa simula ng 20th century. Pero deduction na parang kay Sherlock Holmes ang gamit niya, hindi tulad ni Father Saenz na agham at teknolohiya.
Iintayin ko muna na makahabol ka KD bago ko gawan ng post ang huling 2 araw ko ng pagbasa para walang spoilers. :)
Ikaw naman, Po, natapos mo na ba ang aklat? :)

Natapos ko na ang aklat..nagulat din ako kasi iba rin ang suspetsa ko sa killer bandang huli ayun nakilala ko na rin.
No wonder magkaroon ito ng maraming limbag at awards.
4 stars siya para sa akin kasi talagang isasali ka niya sa paghahanap ng killer at sa huli sa hindi mo inaasahan siya pala iyon killer. Magugustuhan ito ng mga may hilig sa agham at medisina. Panalo!...
Pangatlong Araw Ko: Tsapters XI - XV
Habol, habol. Pakiramdam ko ako na lang ang tumatakbo at kayo ay nakaupo na't naghihintay sa finish line.
Maganda ang kuwento. Mahirap bitawan ang libro. Ako na di talagang mahilig sa mystery/crime novels. Pero maikli lang ang libro, panay ang tingin ko kung ilang pages ang binabasang tsapter kasi iniintindi ko talaga.
Medyo tahimik ngayon si Father Saez tuloy iniisip ko na sya talaga ang killer. Kaso alam ko na iniisip ni Batacan habang sinusulat nya ito na iisipin ng reader yon. Panay naman ang papel ni Fr. Jerome so baka sya ang killer. Napahiya naman si Atty. Arcinas kaya nasabon sya. Si Joanna ang medyo nasa limelight. Querida pala sya. Bakit nga ba may mga babaeng matatalino't smart na nagiging querida at di nakakatagpo ng tamang lalaki sa buhay nila.
Kagaya mo Cecille, naba-bother na ako ng mga foreign phrases. Parang flaunting lang si Batacan na marami syang alam na languages tapos wala pang translation. Mukhang hindi naman Iluko yong huling sinabi. Tinatamad lang akong mag-google translate. Buti may translations ka na nasa itaas. Habang nagbabasa sabi ko lang: "Bahala ka sa buhay mo, Batacan. Akala mo, natutuwa ako sa yo." hahaha. Anong silbi ng style na yan? Ewan ko! Sana kung may mga karakters na talagang yang ang mga lenguwahe, para mas natural. Kaso, hello ang kinakausap niya ay nagtatagalog tapos kinakausap nya ng Italian.
Nagsasalita yong killer no? Yong mga naka-italics. Siya pala ay parang mina-mock. Paranoid naman kasi talaga usually yata ang mga killers.
Sarap lang mag-post pag pa konti-konti. Mamaya ulit pagdating ko sa bahay. Konting basa, post agad.

At, oo, mga saloobin ng mamamatay-tao ang mga parte na naka-italics. Magka-iba tayo ng suspetsya kung sino siya, pero hindi ko muna babanggitin sa ngayon ang hula ko.
Pang-apat na Araw Ko: Tsapters XVI - XX
Parang ang daming ipinasok na mga bagong karakters sa loob lamang ng limang kabanata. Tama ka, Cecille, paborito ko rin yong Kabanata XVIII. Mahaba at konti rebisa lang, puwede nang standalone na short story. Parang biglang naging drama (Agos-style) ang part na ito. Taliwas sa pangkalahatang daloy ng kuwento.
Di ako bihasa sa pagbabasa ng crime novels so di ako na-bother na ngayon lamang nagka-hint ang mga pari na may medical background ang kriminal. Kaya pala may mobile clinic sa umpisa. Natuwa ako pag ganoon. May planted evidence sa isang parte ng nobela na di ko binigyan ng pansin. Sobrang na-focus ang isip ko sa locale ang baho ng lugar, ang singaw ng lupang naulan sa tag-araw.
Ano na yong instrumentong di nahanap na nakita sa footage? Ayan, nagsisimula na akong mag-pay attention hahaha. Baka ito yong hook gaya ng mobile clinic.
Sa Payatas high pala nag-aral ang diyaskeng dentista. Tsk tsk. Pay kakilala ako sa Payatas at malapit lang yan sa amin. Pero di pa ako nakapasok hahaha.

Pang-limang Araw ko: Tsapters XXI to XXV
So parang sarado na na si Alex ang salarin? Sana may sorpresa pa kasi napahiya ako hahaha. Sablay, K.D., sablay....
Nage-enjoy pa rin ako sa bagbabasa. Maiikli ang mga tsapters na ito na binasa ko kaninang umaga. Nakakaawa rin si Alex. Tama nga yong isang sinabi na quote na pag ginawan ka nag masama, gagawa ka rin ng masama. Walanghiyang PE teacher yon. Sana ginawang buhay pa para nagkaroon ng vindication. Kaso patay na at mukhang si Alex na rin ang pumatay sa kanya. Wala nagngingitngit lang ako. Di naman ako ang pinakapandak sa amin sa high school. Average lang. Ang daughter ko ang isa sa pinakamaliit sa kanilang batch. Parang kasama sa limang pinakamaliliit.
Last five chapters. Sana may sorpresa pa para mas mataas na grade ang ibibigay ko. Nagustuhan ko ito so far (3 stars). Natutuwa ako at may ganito palang crime novel sa mga contemporary Pinoy books.

Huling Araw ko: Tsapters XXVI to XX
Hais, parang minadali ang huling mga tsapters na ito. Pinilit pang magkaroon ng ibang twist pero yon din ang suma. Parang sumakit ang ulo ko. Ginawa na lang sanang simple. Parang wala ring role yong babaeng buong giting na binild-up sa isa sa unahang tsapter. Pero hindi pa rin naman nagbago ang pananaw ko sa libro. Gusto ko pa rin sya. Kaya't ang grado nito ay 3 stars at magsusulat na ako ng rebyu at makapag-move on na.
Salamat Cecille, Po at Jzhun sa page-engganyong magbasa ng librong ito. Salamat din kay Kristel sa pagbibigay ng kopya noong July 2011 (birthday ko sa Congo Grill). Sobrang tagal bago ko nabasa eh ang ganda naman pala nito. Kung di pa ako binigyan ng ideya ni Jzhun na basahin na namin. Salamat, salamat sa inyong lahat.
*Bow*

SMALLER AND SMALLER CIRCLES
by F. H. Batacan
We are still to agree on the date. But if you have any suggestions because you want to join us, please tell.